Damay sa kasikatan ng Miss U… BF NI CATRIONA, BIGLANG NAGKA-SHOW

Nitz Miralles / BIDA

MABUTI at hindi na lang pinapansin ni Clint Bondad, ang BF ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, ang pamba-bash sa kanya na papansin daw siya at ginagamit ang relasyon nila ng beauty queen para magkaroon ng showbiz career.
Nagge-guest sa mga shows ng GMA-7 si Clint at ngayon, may regular show na dahil kasama siya sa cast ng rom-com series nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado na Love You Two. Nagkasama na sina Clint at Jennylyn sa isang episode ng Dear Uge at kinakitaan sila ng chemistry. Bale itinuloy lang ng network ang tandem nila.
Sa February 20 ang grand homecoming ni Catriona at two victory parades ang inihahanda para sa kanya. Sa Feb. 21, sa Makati at Manila ang parade at sa Feb. 23, sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.
Ang tanong, magkaroon kaya ng chance sina Catriona at Clint na magkita at magkausap man lang sa pagbabalik sa bansa ng Miss Universe 2018?





Comments