Bago raw nila ginawang bida sa pelikula… HIRIT NI DIREK JOYCE: UGE, SUPPORT LANG DATI NI PIOLO


SPEAKING of Erickson Raymundo, ‘di namin siya nakita sa celebration/mediacon ng 10th anniversary ng Spring Films na pag-aari nila nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal. Ang dami pa namang taga-media na gusto siyang mainterbyu.
May mga nag-iisip tuloy na baka sadyang ‘di umapir si Erickson dahil para makaiwas na matanong sa giyera ng alaga niyang si Kris Aquino at ni Nicko Falcis. But knowing Erickson, this is a big milestone for his company para basta-basta na lang niyang ‘di siputin.
Parang kailan lang nang ipalabas ng Spring Films ang kauna-unahan nilang pelikula at gumawa ng record bilang highest-grossing independent film noong 2009, ang first solo lead movie ng komedyanang si Eugene Domingo na Kimmy Dora.
“Si Eugene ‘yung time na ‘yun, mayroon kaming pelikula na supporting lang siya at artista si Piolo. Tawang-tawa kami sa kanya. Sabi namin, ‘Gawan natin ‘to ng pelikula,’” pag-alala ni Direk Joyce.
Kaya nakipag-meeting daw sila ni Piolo sa writer na si Chris Martinez. Wala raw silang kaalam-alam sa business kaya ipinabasa nila kay Erickson ang script. First draft pa lang, tawa na raw sila nang tawa at doon nabuo ang grupo para i-produce ang kauna-unahan nilang project.
And as the saying goes, the rest is history.
For their 10th year in the film industry, may mga naka-line-up na ang Spring Films na mga pelikulang ipapalabas nila. To kick-off their 10th anniversary ay ang commercial release ng Cinemalaya movie ni Ogie Alcasid na Kuya Wes directed by James Robin Mayo.
Susundan ito ng Sunshine Family na nai-shoot or isu-shoot pa lang yata sa South Korea, ang kilig movie na I’m Ellenya L. na pagbibidahan nina Iñigo Pascual at Maris Racal, ang animated film na Hayop Ka tampok ang boses nina Robin Padilla, Angelica Panganiban at Sam Milby, ang UP Project, Istariray is Born, Puppy Love, Marawi, The Bouncer, A Short History of Parking Lots, Ang Araw ng Itim na Nazareno at ang Post Angst.





Comments