top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Pag masigla ang campaign team, sure win ang kandidato

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2019
3 min read

MARAMI na ang nagpa-panic na kandidato.

Kasi next week, simula na ng kampanya!

◘◘◘

MAHALAGA ang estratehiya sa kampanya.

Tinatantiya dapat ang tinatawag na “peak” sa diskarte sa kampanya.

Hindi puwedeng, bara-bara ang kampanya!

◘◘◘

SA totoo lang, scientific dapat ang kampanya.

Kapag scientific ang approach, gagamitan ito ng mga sopistikado at modernong diskarte sa kampanya!

◘◘◘

PINAKAMASELAN dito ang “peaking”.

Kakaunti ang nakauunawa ng diskarteng ‘yan!

◘◘◘

SIMPLE lang ang ibig sabihin, ang bawat aktibidad o bawat sitwasyon sa pagkilos ng kandidato, pagkilos ng kalaban at sitwasyong na nagaganap ay imino-monitor at itinatala bilang “graphical representation”.

Meaning, may “graph” ang pangangampanya!

◘◘◘

ITATALA ang aktibidad at sitwasyon para matukoy ang “peak” ng kandidato.

Hindi mabuti na mag-peak sa bungad o kalagitnaan ng kampanya dahil ang kasunod ng “peak” ay ang pagbagsak ng kampanya.

Rito makikita kung matatalo o mananalo ang kandidato, scientifically!

◘◘◘

MAY mga gimik o sitwasyon na nagtutulak para mag-peak ang kandidato.

Isang aktibidad na nagtutulak ng “peak” ay ang paglalabas ng epektibong “political ads, political gimmick o puwede rin ang tinatawad na “vote-buying”!

◘◘◘

ANG vote-buying o pagkakaloob ng pinansiyal na ayudad sa LGU executives sa bisperas ng eleksiyon ay nagtutulak ng “peak” sa national candidate.

Ang vote-buying sa bisperas o aktuwal na araw ng eleksiyon ay epektibong aktibidad para mag-peak ang kandidato sa lokal na eleksiyon.

Kapag maagang ibinigay ang pondo o nag-vote-buying, maaga ang peak ay maaaring matalo ang kandidato!

◘◘◘

ANG sitwasyon naman na nagpapababa o nagpapadausdos ng “peak” ay ang pag-aaway-away sa loob ng campaign group o inner circle ng kandidato.

Nakararamdam ng “pressure” ang mismong kandidato at ang “team” kapag maaga ang peak o hindi makaporma sa “peak” na nagpapaguho sa kampanya.

Ang indicator na matatalo ang kandidato ay ang “conflict, tuliro o dis-organisadong campaign team” bago ang aktuwal na halalan!

◘◘◘

ANG masiglang campaign team, solido at may team spirit ay indikasyon ng mataas na moral at mataas na “peak” ng kandidato.

Sinasabayan ito ng “cash liquidity” sa loob ng kampo na nagpapasigla sa kampanya!

◘◘◘

KUNG sino ang may pinakamasiglang “campaign team” ay indikasyon na mananalo ang kandidato.

Unang nararamdaman ng kandidato at kampo kung sila ay mananalo o matatalo, ilang araw bago ang halalan!

◘◘◘

ANG mga black propaganda at maging ang boldyak na gimik ay inirereserba sa bandang bisperas ng eleksiyon.

Ang black propaganda ay hindi na masasagot kapag pinakawalan sa bisperas ng eleksiyon tulad sa naranasan ng pobreng yumaong speaker ng Kamara noon na si Ramon Mitra!

◘◘◘

ANG sitwasyon na naman ay maaaring magbunsod ng peak at maaaring man-made ito o “natural” tulad sa pagyao ni ‘Tita Cory’.

Ang sitwasyon ng pagkamatay ay nagbunsod ng dambuhalang “peak” sa political career ni ex-P-Noy!

◘◘◘

ANG mga political operator ay karaniwang gumagamit ng “scientific opinion survey” o mai-monitor ang “peak ng kandidato” at matimpla ang kampanya: Gagamit ba ng black propaganda o simpleng gigimik para mapansin ng botante?

Regular o periodic ang opinion survey upang “mapanood o mai-monitor” scientifically ang peak ng kampanya, peak ng personal na kandidato at “peak” ng mga kalaban!

◘◘◘

MAHALAGANG bumubuo ng core group ang kandidato na siyang magdedesisyon para sa kampanya.

Hindi dapat kasama sa “core group” ang kandidato dahil apektado siya ng “intense emotion” na wawasak mismo sa kanyang kampanya dahil sa hindi praktikal at makatotohanang desisyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page