Paalala na kung saan ka masaya, roon ka!
- BULGAR

- Feb 5, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Novelyn ng Novelyn_Roldan@face- book.com
Dear Professor,
Ano ang kahulugan ng panaginip ko na nakakita raw ako ng kulay pulang bag.
Tapos, hindi sinasadyang nagkapalit kami ng taong hindi ko kilala, pero magkaibang style ang bag namin.
Pagkatapos, may payong akong hawak na feeling ko ay sira dahil sobrang haba ng handle, kaya hindi ko na binuksan at ang kulay nito ay kombinasyon ng pula at puti.
Sana, masagot ninyo ito, Maestro.
Salamat!
Naghihintay,
Novelyn
Sa iyo Novelyn,
Ang bag ay personal na gamit ng tao at dahil ito ay personal, hindi dapat ito makita o mapakialaman ng kahit na sino.
Sa panaginip, ang laman ng bag ay ang damdamin o saloobin. Ayon sa panaginip mo, nagkapalit kayo ng bag ng taong hindi mo kakilala, ibig sabihin, pinagtagpo kayo ng tadhana dahil siya ay ka-compatible mo.
Rito sa mundo, napakahirap maghanap ng tunay na katugma, kaya napakahirap ding hanapin ng tunay na ligaya, kumbaga, hindi natin makita-kita ang taong nakalaan para sa atin.
Napakarami ng nagturo sa atin kung sino o ano ang ating ka-compatible, marami rin ang mga sumunod, pero wala ring nangyari dahil sa huli, hindi pala ito totoo.
Ang iba naman ay nakaranas ng ligaya dahil sadyang nakatagpo nila ang mga taong talagang para sa kanila.
Ang masayang balita para sa iyo ay nagsasabing ngayon ay matutupad sa buhay mo ang tunay na depinisyon ng salitang compatible na nagsasabing , “ birds of the same feather flocks together.”
Dahil dito, masasabing darating na sa buhay mo ang mga araw kung kailan ka tunay na sasaya, ang wagas na ligaya ay mapasasaiyo na at ang dalisay na pagmamahalan ay nakatakda mo nang maranasan.
Sabi nila, walang forever sa mundo, pero ang sabi ng pinag-uusapan nating batas ng compatibility, panghabambuhay ang pagsasama ng magkakakulay.
Ang payong na ayon sa iyo ay sira at sobrang haba ng handle ay nagbibigay ng mensahe na huwag kang maniwala sa ibang pananaw na sasalungat sa kasiyahan mo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments