top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG IKASAL SA KASALUKUYANG BF NGAYONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Sa darating na Febru­ary 14, Valentine’s Day ay mag­dadalawang taon na ang relasyon namin ng boy­friend ko.

Naisipan kong sumang­guni sa inyo upang itanong kung compatible ba kami? September 30, 1993 ang birthday ko at February 6, 1992 naman ang birthday ng boyfriend ko?

Kami na ba ang mag­ka­katuluyan at kung kami na ang magkakatuluyan, magkakaroon din kaya kami ng maunlad, pangha­bambuhay at masayang pa­milya, balang-araw?

Umaasa,

Aira ng San Jose,

Baras, Rizal

Dear Aira,

Ang zodiac sign mong Libra na pinaghaharian ng elementong hangin ay tunay ngang compatible sa zodiac sign na Aquarius ng boy­friend mo na tulad din ng Libra at Aquarius na pina­ngingibabawan ng elemen­tong hangin o air. Ibig sabi­hin, sa aspetong pang-Wes­tern Astrology, suwetung-suweto talaga ang inyong tadhana.

Gayundin, ang inyong birth date kung saan ang birth date mong 30 o 3 (3+0 =1) ay compatible sa birth date na 6 ng boy­friend mo. Samakatwid, sa pag-aana­lisang pang Astro-Numero­logy, walang duda, compa­tible kayong dalawa at dahil sa nasabing mga pag-aana­lisa, kayo na nga ang mag­kakatuluyan at na­ka­takdang bumuo ng isang maligaya at maunlad na pa­milya, ha­bam­buhay.

Mapalad namang mga kulay ang pula, asul, violet at la­ven­der sa araw ng inyong ka­sal, gayundin sa mga pa­ngunahing gamit sa bahay. Isaalang-alang n’yo rin ang mga petsang 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21 at 30, par­tikular sa buwan ng Mayo hang­gang Hunyo at Set­yem­bre hanggang Oktubre para sa panahon ng pagpa­pa­kasal.

Habang, ayon sa Love Calendar, ngayong 2019 hanggang sa 2020, sa mga piling buwan ng Setyembre o kaya ay Disyembre, sa edad mong 26 pataas, tiyak ang magaganap, may simple, pero masayang kasalang ita­tala sa inyong karanasan na hahantong sa isang mali­gaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page