top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maawain, madaling mabola at mapagsamantalahan... KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAG-UUGALI NG MGA YEAR OF TH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2019
  • 2 min read

Ituloy natin ang dis­­kusyon hinggil sa mga pangunahing ugali at ka­palaran ng mga taong isi­nilang sa Year of the Pig, partikular ngayong 2019.

Sa susunod na mga araw, iisa-isahin naman nating ta­lakayin ang magiging kapala­ran ng iba pang animal sign, dito sa ating espesyal na isyu hinggil sa Chinese Astrology.

Bukod sa mapagmahal at mapagkakatiwalaan ang mga taong isinilang sa Year of the Pig, sinasabi ring malalam­bing, mabait at may taglay na kakaibang pang-akit ang mga ito. Hindi lang mapang-akit, bagkus, mainit sa kama, mahusay din sa romansa, hi­git lalo kung gugustuhin at pagbubutihin talaga nila.

Kaya lang, minsan, ito ang nagiging problema ng mga ipinanganak sa Year of the Pig, kaya may tendency na madali silang mabugnot at uminit ang ulo kung saan akala ng iba na ang mga tu­lad nila ay mahirap kausap at makaintindi.

Sa kabila nito, madali naman silang bolahin, kapag pinuri at nilambing mo sila, kumbaga, kung paliliwana­gan mo sila ng may kasamang pang-uuto o kaya ay papla­nu­hin mong utuin o bolahin ang tulad nila, tulad ng na­sabi na, dahil nga likas silang mabait at mapagparaya, ma­dali mo talaga silang mauuto na kadalasan ay madali ring napagsasamantalahan ng ibang tao ang likas nilang ka­baitan at pagiging maawain.

Dagdag pa rito, may pag­kagalante rin ang mga napa­bibilang sa Year of the Pig, pero sensitibo sila sa damda­min at sa kalagayan ng iba, sabi nga sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford, “The Boar is the original soft touch and will open his home and give out money to all. He is generous to those he loves and those he wants to love him, and will share everything he has, even to his own detriment”.

Dahil sa ugali ng mga Year of the Pig, ang nang­ya­yari tuloy, may panahon sa kanilang buhay na sila ay nababangkarote — nalulugi ang negosyo o nauubos ang kayamanan. Gayunman, ka­hit magkandalugi-lugi at bumagsak ang kanilang ka­buhayan, ang nakatutuwa sa kanila, nananatiling buo ang kanilang loob, patuloy silang lumalaban sa hamon ng bu­hay hanggang sa bandang huli ay makikita silang naka­tayo, buhay, matatag, mati­kas at maunlad na muli ang kabuhayan.

Kaya nga sa katotoha­nan, ang mga ugaling nabang­git ang hahangaan mo sa mga tulad nila, kahit pa may pa­na­hong bumagsak ang kani­lang ka­buhayan, kayang-kaya ni­lang maka-recover at umun­lad.

Gayundin sa pag-ibig, kahit na naisanla na ng mga Year of the Pig ang kanilang puso at pag-ibig sa maling nilalang at kahit na nagkan­dabigu-bigo halimbawa ay sa pag-aasawa at pakikipag­relasyon, darating at darating pa rin sa kanilang buhay na ma­dali silang makamu-move on, kaya magagawa nilang magmahal muli, mag­karoon ng bagong karelas­yon at ma­kabuo ng isang mas masaya at panghabambuhay na pa­milya.

Kung ang ibang mga animal sign ay walang “ika­la­wang saya o ikalawang gloria” sa mga taong isinilang sa Taon ng Baboy, palaging may “second chance” at ang ikalawang mundo na kani­lang mararanasan ay maitu­turing na paraiso kung saan ang “second chance” para sa kanila ay siguradong mas na­giging matagumpay at ma­ligaya.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page