top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SON ALSO RISES, CHAMP SA 2019 JAPAN CUP

  • Green Lantern
  • Feb 4, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

ITINANGHAL na kampeon ang kabayong Son Also Rises nang biguin ang Lakan matapos pangunahan nito ang 2019 Japan Cup na pakarera ng Philippine Ra­cing Commission (Philracom) sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMCI) sa Malvar, Batangas.

Tinapos ang distansiyang 1,400 sa bilis na 1:22.5 ng Son Also Rises kasunod ang kabayong Lakan habang du­mating na pangalo ang Summer Romance at 4th placer ang kabayong si Hiway One.

Hindi naging madaling makuha ang unahan lalo’t napahirapan ang Son Also Rises Lakan. Sa umpisa pa lamang ng karera agad na kinuha ang unang larga ng Lakan habang nakasunod ang Sooner Time sa nangu­ngunang Son Also Rises.

Liyamado ang Pride of Laguna, sumunod ang Son Alson Rises at Entry Number 1 (Summer Romance at Sooner Time) at Lakan. Nag-uwi ng P300,000 ang Son Also Rises at trophy habang P112,500 ang Lakan ay nag-uwi ng P62,500, ang 3rd placer at P25,000 sa 4th placer.

Inihahanda pa sa mga malalaking karera ang Son Also Rises at ito ang unang nagpagwagian ng alaga ni Benjur Abalos Jr.

Samantala, maganda ang ipinakitang laban ng Wiling Willie, sa Race 1 ng biguin ang Entry number 5 at King Curry sa Race 2 habang binigo ng kabayong Tanforan ang super LLamadong si Baisakhi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page