Ke boto raw siya o hindi sa bagong lalaki ng utol… GABBY, AMINADONG WALANG MAGAGAWA DAHIL BUNTIS NA
- BULGAR

- Feb 4, 2019
- 2 min read

BAGO pa man inanunsiyo ni Andi Eigenmann ang kanyang pregnancy sa second baby niya last Feb. 1, alam na ito siyempre ng nakatatandang kapatid niyang si Gabby Eigenmann na nakausap namin that same day also sa presscon naman ng Inagaw na Bituin na bagong serye niya sa GMA-7.
Ayon kay Gabby, of course, bilang nakatatandang kapatid ay nandiyan ang suporta niya parati kay Andi.
“Kapatid ko ‘yun, eh, kahit ano’ng gawin. Pero at the end of the day, may sarili na siyang pag-iisip. Adult na ‘yan, magtu-29 na siya this year.
“Hindi ko na nga dapat pinakikialaman ang personal nilang buhay. I’ll always be a brother to my siblings but I can never be their parent,” pahayag ni Gabby nang makausap namin sa presscon ng Inagaw na Bituin drama series ng GMA-7 kung saan ay isa siya sa cast.
Hindi naman daw kailangang maging issue dahil ang importante naman daw ay masaya si Andi.
Nag-usap na raw sila tungkol dito at lagi naman siyang nandito para suportahan ang kapatid.
“Whether good or bad decisions ang gawin niya, wala na akong magagawa ru’n. Mahal ko ‘yan, eh. Kapatid ko ‘yan, hindi naman mawawala ‘yun.
“Ano’ng gagawin ko, palayasin ko, eh, hindi naman nakatira sa akin? Idi-disown ko? Hindi naman ako nagpapakain sa kanya,” pagbibiro ni Gabby.
“As a brother, hindi lang kay Andi, kundi sa lahat ng kapatid ko, kung saan sila masaya, doon ako,” pahayag pa ng aktor.
When asked kung boto ba siya kay Philmar Alipayo na boyfriend ni Andi ngayon at ama ng dinadala ng anak nito, aniya ay hindi pa niya ito nakikilala.
“At sa lahat naman ng minahal ni Andi, hindi lang naman si Andi, ‘yung mga iba ring minahal ng mga kapatid ko, it was never a question kung boto ba ako o hindi kasi kahit sabihin kong hindi ako boto, may magagawa ba ako?
“Kung sabihin kong boto, may magagawa rin ba ‘yun? Wala, it doesn’t matter,” he said.
Pero siyempre, gusto rin naman daw niyang makilala si Philmar dahil magiging part na rin ito ng family nila.
Samantala, ang Inagaw na Bituin ang first soap ni Gabby for this year. Hindi pa niya masabi kung good or bad guy ang kanyang role rito basta ang malinaw lang daw ay isa siyang ruthless producer at hindi naman tipong kontrabida talaga.
Ang Inagaw na Bituin ay pagbibidahan nina Kyline Alcantara at Therese Malvar na mapapanood sa GMA Afternoon prime. Kasama rin sa serye sina Manolo Pedrosa, Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin at marami pang iba.





Comments