Ipinagsigawang gusto nang mag-asawa… HIRIT NG NETIZENS: ANGELICA, 'WAG KANG ATAT SA LALAKI!
- BULGAR

- Feb 4, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NATAWA na lang ang mga nakabasa ng tweet ni Angelica Panganiban na “February naaa!!! 11 months na lang akong maghahanap ng asawa!”
Ang feeling ng ibang netizens, nagbibiro lang si Angelica lalo na at madalas nitong gawing biro ang pag-aasawa. Minsan na rin nitong nai-tweet na gusto na niyang magkaasawa.
May mga followers naman itong nagpayo na hintayin na lang niya ang pagdating ni Mr. Right sa buhay niya at ‘wag niyang ipilit. Maganda rin ang payo ng isang netizen na maging patient ang aktres at dahil mabait siya, she deserves someone na rerespetuhin siya at tatratuhing reyna.
May mga umaasang si Carlo Aquino na ang hinahanap at hinihintay ni Angelica na kanyang forever, kaya pinanawagan siya ng mga fans nila ni Angelica. Kaya lang, nali-link sa iba ang aktor at sa ngayon, parang malabong maging sila.





Comments