top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Building gumuho, 11 patay

Jersey Sanchez
Feb 4, 2019
1 min read

GUMUHO ang gusali dahilan para masawi ang 11 katao kabilang ang 4 bata sa Syria.

Batay sa ulat ng Syria state news agency na SANA, nag-collapse ang limang palapag na gusali sa bayan ng Aleppo. Gayunman, ang naturang gusali ay nasa silangan ng komunidad sa Salahuddin na dating kuta ng mga rebelde.

Una nang nasira ang gusali noong panahon ng giyera ngunit, hindi pa matukoy ng awtoridad ang dahilan ng pagguho nito. Apat na taon na umano ang gulo sa pagitan ng gobyerno at rebelde sa Aleppo.

Matatandaan, na noong 2016 ay nakontrol ng Syrian army ang siyudad matapos itong maglunsad ng ilang buwang opensiba. Samantala, 400,000 katao ang nasawi dahil sa halos walong taong giyera sa Syria kung saan nasira na rin ang malaking bahagi ng bansa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page