top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Babaeng nabubuwisit sa kanyang kuya dahil hindi ito nakatutulong sa kanilang pamilya

ROMA AMOR
Feb 4, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Zel, 27 years old at pangalawa sa apat na magkakapatid. Ang kuya ko ay nagtatrabaho na, pero hindi maramdaman ng aming pamilya. Isang taon lang ang agwat ng edad namin ng kuya ko at ang dalawa naming kapatid ay nag-aaral pa. Sa katunayan, nai-stress ang mga magulang namin sa kanya dahil sa ilang taon niyang pagtatrabaho ay halos wala siyang naitulong sa amin. Ang nangyayari tuloy, ‘yung kalahating bayarin namin sa bahay ay ako na halos ang sumasagot. Ano ang dapat kong gawin dahil hanggang ngayon kasi ay kakarampot lang ang naipon ko para sa sarili ko? Maraming salamat! — Zel

Zel, Ang una nating maipapayo sa’yo, iha, eh, komprontahin mo ang kuya mo tungkol sa iyong sentimyento. Mabuting ipaintindi mo sa kuya mo na hindi mo kayang sagutin ang kalahati ng gastusin ninyo sa bahay dahil nag-aaral pa ang dalawa ninyong kapatid. Bukod pa rito, tumatanda na kayo at kailangan mo na ring mag-ipon para sa sarili mo. Siguradong hindi magtatagal ay mauunawaan ka rin niya at tuluyan na siyang tutulong sa pamilya ninyo. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page