Temperature 'pag bumalik sa normal | MATINDING PAGBAHA, NEXT!
NAGBIGAY-BABALA ang National Weather System ng Amerika sa posibleng pagbaha kung sakaling babalik sa normal ang temperatura.
Kasunod ito ng paunti-unting pagbabalik ng temperatura sa ilang bahagi ng bansa.
Gayunman, inaasahang matatapos na ang matinding lamig at babalik na sa normal ang temperatura sa mga susunod na araw.
Samantala, umabot na sa 21 ang bilang ng mga nasawi dahil sa panahon kung saan karamihan sa mga ito ay pawang mga homeless.
Mayroon namang 50 pasyente ang dumaranas ng frostbite sa ilang pagamutan sa Chicago.
Patuloy sa pagpapaalala ang gas provider sa Michigan sa mga residente na bawasan ang pagkonsumo ng gas dahil sa taas ng demand nito.
Gayunman, mahigit 2,300 flights ang nakansela habang 3,500 ang delayed dahil sa polar vortex.





Comments