Mga sikat ang binabanatan… SIGAW NG NETIZENS: MOCHA, LAOS NA KAYA TODO-SAWSAW KINA DINGDONG AT ANNE
- BULGAR

- Feb 3, 2019
- 1 min read

MATAPOS manahimik nang masopla sa sunud-sunod na kapalpakang pinaggagawa, heto at muling nabuhay at nag-iingay si Mocha Uson at nakikisawsaw na naman sa mga isyu at todo-banat pa sa mga sikat na artistang tulad nina Anne Curtis at Dingdong Dantes.
Nagpapapansin na naman si Mocha para masabi lang na may concern siya sa mga isyu ngayon. Ang tanong tuloy ng mga netizens, sapat na ba ang kaalaman ni Mocha sa mga hot issues sa lipunan upang makisawsaw at magbigay ng opinion laban sa ilang celebrities?
Hindi maaasahan ni Mocha na magri-react at papatulan siya ng Primetime King na si Dingdong Dantes. Baka ang mga fans na lang ni DD ang babanat kay Mocha.
Sino kaya ang isusunod ng sawsawerang singer after Anne and Dingdong?
Well, ang gustong malaman ng mga fans ni Dingdong ay kung kailan siya pipirma ng bagong kontrata sa GMA Network?
Ang contract niya ay nag-expire na last January 15, 2019. Magsisimula na rin si DD sa pagho-host niya ng StarStruck Season 7. Ongoing pa rin ang serye niyang Cain at Abel with Dennis Trillo at host siya ng Amazing Earth na napapanood every Sunday.





Comments