Magnitude 6.6 na lindol, yumanig sa Mexico
Jersey Sanchez
Feb 3, 2019
1 min read
NIYANIG ng Magnitude 6.6 na lindol ang southern Mexico.
Napag-alaman ng U.S. Geological Survey (USGS) na sentro ng pagyanig ang estado ng Chiapas.
Gayunman, ang episentro ng lindol ay naitala sa 68 kilometro na malapit sa gitna ng border ng Pacific Coast at Guatemala.
Walang naitalang pinsala at nasawi sa pagyanig.





Comments