Kelot tiklo sa 8 baril
- Pabs Hernandez III
- Feb 3, 2019
- 1 min read
PAMPANGA—Isang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng walong iba’t ibang uri ng baril, kamakalawa sa bayan ng Jaen sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Roderick Mauricio, nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Mauricio sa bisa ng inisyung search warrant ng korte at dito nakumpiska ang mga baril at mga bala.
Nakapiit na si Mauricio na nahaharap sa 9 counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments