top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Katabaan ni Mega, nilait daw ng dating PNP chief… MOVIE NI ROBIN TUNGKOL KAY GEN. BATO, IBOBOYKOT NG

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2019
1 min read

NAKIKIUSAP ang ilang kaibigan at supporters ni Robin Padilla na ‘wag namang iboykot ang Bato movie ng Action Superstar dahil lang sa life story ito ni dating PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Marami nga kasi ang nag-iisip na nagpagamit lang si Robin para maikampanya si Gen. Bato na tuma­takbong senador sa May, 2019 elections.

Ang siste, bukod sa galit kay Robin ng ilang netizens at ilang taga-showbiz industry na nanana­wagan ng boykot, pati pala ang ilang fans ni Megastar Sharon Cuneta ay na-turn-off din sa nabitawang pahayag ni Gen. Bato sa nakaraang presscon ng movie niya, kung saan naikumpara niya ang katawan ng Megastar sa katabaan ng kanyang misis.

Bagama’t nagsori naman agad si Gen. Bato kay Mega, dinamdam ito ng mga diehard fans ng aktres-singer at sinabing hinding-hindi nila susuportahan at panonoorin ang Bato movie.

Aray ko! Dapat siguro, bumawi si Gen. Bato kay Ms. Sharon Cuneta dahil baka imbes mahatak niya ang boto ng mga fans ni Mega dahil sa sinabi niyang idol ng kanyang misis ang aktres-singer, eh, makabawas pa ang nasabi niya tungkol sa katabaan nito sa boto niya sa eleksiyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page