top of page

Kahit sobrang bagal | PINOY NO. 1 ADIK SA INTERNET SA BUONG MUNDO

  • Vyne Reyes
  • Feb 3, 2019
  • 1 min read

NANGUNA ang Pilipinas sa may pinakamahabang oras na inilalaan ang mamamayan nito sa paggamit ng in­ternet sa buong bansa.

Sa kabila ito ng pagiging kulelat ng bansa sa ranking ng internet speed kung saan nasa ikawalo sa huli ang Pilipinas.

May 19.0 MBPS ang Pilipinas na halos 50 times ang ikinabagal sa nangunguna o fastest average connection na Singapore na may 191 MBPS.

Panlima naman sa huli ang Pilipinas pagdating sa average internet speed ng mobile connection.

Sa inilabas na data ng Digital 2019 report, itinuturing ang mga Pinoy bilang “World’s Heaviest Internet Users” nitong nakalipas na taon.

Karamihan umano sa mga Filipino ay nag-a-average ng 10 oras at dalawang minuto sa online kada araw.

Pumapangalawa ang Brazil na 9 hours and 29 minutes sa internet usage.

Pangatlo ang Thailand na 9 hours and 11 minutes.

Sumusunod dito ang Colombia na 9 hours habang ang mga Indonesian ay 8 hours and 36 minutes.

Ang mamamayan naman sa Amerika ay nag-a-average sa paggamit ng internet sa 6 hours and 31 minutes bawat araw kumpara sa China na 5 hours and 52 minutes, habang ang United Kingdom ay 5 hours and 46 minutes.

Samantala, ang mga Hapon ay nag-uukol lamang ng pinakamaiksing oras na umabot sa 3 hours and 45 minutes bawat araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page