top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 03, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYON PEBRERO 3, 2019 (Linggo): Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran, ma­saktan ka man o hindi, ang katuparan ng iyong mga ambisyon ay gina­garantiyahan ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mamuhunan ng sobrang laking halaga. Hindi na­babase sa palakihan ng pera ang pagsisimula ng negosyo. Kung maliit ang posible mong kiki­tain, maliit lang din da­pat ang iyong puhunan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-20-23-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong ipa­kita ang ka­kayahan mo dahil mi­namatyagan ka ng mga kakumpitensiya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-2-10-18-20-25-41.

GEMINI (May 21- June 20) - Dag­dag-ka­alaman ang kailangan mo nang sa gayun ay malayo ang marating mo. Hindi ma­ganda na nakukuntento ang tao sa kung ano lang ang mayroon siya. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-22-26-31-32.

CANCER (June 21- July 22) - Hawak mo ang oras mo, kaya isi­pin mo kung paano mo ito magagamit nang ma­ayos at sulit. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-8-18-26-38-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pansamantala lang ang mga taong kokon­tra sa iyo. Sa una lang sila malakas dahil matatalo mo rin sila sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo nga­yon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-15-19-25-27-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagsisimula na ang iyong sigasig. Ipag­pa­tuloy mo lang ang iyong pagiging masaya at huwag kang mag-isip ng mga negati­bong bagay. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-16-31-32-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit sanay ka na sa sa­bay-sabay na trabaho, ipinapayo pa rin sa iyo na magdahan-da­han ka nang sa gayun ay mapagtagum­payan mo ang hamon ng iyong ka­palaran. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-27-36-38-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Doon ka sa lugar kung saan ka malu­luwagan. Ang buhay sa mundo ay hindi pagha­hanap ng mahirap na pa­raan para mabuhay. Hu­wag kang tumulad sa iba na pinahihirapan ang ka­nilang sarili. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-29-30-31-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap nang bawiin ang mga sali­tang nasabi mo na. Mag-isip ka munang mabuti bago ka magsalita at isi­pin mo ang damdamin ng iyong kapwa. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-15-18-27-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumus­ta­hin mo ang nasa malayo dahil mas maganda na ikaw ang unang bumati. Ma­gugulat ka sa mang­yayari dahil tatanggap ka ng malalaking biyaya na lubos mong ikatutuwa. Ma­­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-28-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humi­ngi ka ng pa­bor sa mala­pit sa iyo na mataas ang rang­go. Makaaasa ka na ibibi­gay niya ito sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-21-25-28-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mapagkunwari ang mga tao. May magku­kunwaring ga­lit sa iyo, pero ang totoo, gusto lang niya na mas ma­­palapit ka sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-15-20-21-25-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page