AMERICAN U, HINDI PINAPORMA NG MIGHTY SPORTS SA DUBAI

IMPRESIBONG simula ang ipinamalas ng Mighty Sports sa kanilang pagdaig sa American University sa Dubai, 87-58, noong Biyernes ng gabi sa pagsisimula ng Dubai International Basketball Tournament.
Gumawa ng 17 points si Justin Brownlee habang 15 points ang itinala ng Fil-American na si Jeremiah Gray para sa magandang panimula ng Mighty Sports sa torneo.
Ngunit aminado si Mighty Sports coach Charles Tiu na ang laro laban sa American University sa Dubai ay hindi sapat na basehan kung gaano kalakas ang kompetisyon. “It’s a good game, but I don’t think this is the real competition. This is probably the weakest team in the whole tournament naman eh,” wika ni Tiu sa panayam ng SPIN.ph mula sa Dubai.
Tatlong tres ang ibinuslo ni Brownlee na naglaro lamang ng 18 minuto sa laro. Karamihan sa mga manonood ay nag-cheer kay Brownlee at sumigaw ng ‘Ginebra! Ginebra!’ sa laro.





Comments