Pinalitan na ni Xian at Christine… CLAUDINE AT MARK ANTHONY, TSUGI SA SARILING PELIKULA
- BULGAR

- Feb 2, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

HINDI na nga matutuloy ang Viva Films movie na dapat ay pagtatambalan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Pinalitan na sila nina Cristine Reyes at Xian Lim.
May pamagat ang pelikula na Untrue at si Sigrid Andrea Bernardo pa rin ang director. Sa Georgia pa rin ang location at sa second week yata ng February ang start ng shooting.
Nauna na ang look test at sa nakita naming pictures, may chemistry sina Xian at Cristine, pero parang ang kapal ng suot nila.
Sunud-sunod ang pelikula ni Xian sa Viva Films. Iso-showing pa lang ang Hanggang Kailan nila ni Louise delos Reyes, heto at may bagong project na naman siya.
Nasilip namin ang teaser ng bed scene nina Xian at Louise, grabe ang halikan ng dalawa. Tama si Direk Bona Fajardo na mainit ang eksenang ‘yun at pinainit pa ng lighting at background music na Maling Pag-ibig, ang theme song na kinanta ni Marion Aunor.





Comments