Kung ang AlDub fans, todo-tutol pa rin… KAMPO NI ALDEN, WA' NA PAKI KINA MAINE AT ARJO
- BULGAR

- Feb 2, 2019
- 1 min read

NAKAUMPUKAN namin kahapon ang isang grupo ng mga guro sa Cainta. As usual, napunta na naman sa showbiz ang usapan. At karamihan pala sa mga ito ay fans ni Alden Richards.
‘Di sila AlDub fans kundi solid Alden followers. Sabi pa nga ng isang Teacher Trina from Morong, Rizal, “Sana, mag-guest din dito sa school si Alden!”
Sabi namin, “Mahirap mag-imbita ng mga sikat na artista. Hintayin na lang natin ‘pag ‘di na siya sikat, baka sakali pa.”
Asked namin sila kung bakit ang choice nila ay si Alden over Maine Mendoza.
Sabi ni Teacher Camille who is from Teresa, Rizal, “Mukhang napakabait po niya at very close sa pamilya. Malapit siya sa tao. Siyempre po, alam naman ng lahat na pogi siya at he looks neat and clean.”
At kung ang AlDub fans, todo-tutol pa rin hanggang ngayon, walang pakialam ang solid Alden supporters kung may Arjo Atayde man si Maine. All they wish is to see him in person.
Sa totoo lang, when it comes to public relations, talo talaga ni Alden si Maine. Alden makes it a point to reach out to his fans at most of all, sa entertainment press.





Comments