Zodiac Sign in the year of the Pig
- BULGAR

- Feb 2, 2019
- 4 min read

Maraming nagtatanong kung ano ang magiging kapalaran nila sa pagpasok ng Year of the Pig, ngayong 2019?
Kaya sa pagkakataong ito at sa susunod pang mga araw, espesyal nating tatalakayin ang tungkol sa Year of the Pig at kung ano ang mangyayari sa bawat animal sign ngayong 2019.
Kaya sa mga giliw nating tagasubaybay at sa mga bagong sumusubaybay pa lamang, pagkakataon n'yo ng alamin ang inyong kapalaran ngayong taon. Siyempre, ang mga diskusyon natin ay magsisilbi ninyong gabay upang lalo n'yo pang mahatak ang matagumpay, masagana at maligayang pamumuhay.
Paano ba nagsimula ang Chinese New Year at kung bakit ipinangalan sa mga hayop ang 12 animal signs ng mga Chinese?
Ayon sa alamat, ipinatawag ni Lord Gautama Buddha ang lahat ng mga hayop sa lupa sa kanyang palasyo.
Nang marinig ng mga hayop ang pagtawag na ito, nagsimula na silang maglakbay. Sa paglalakbay ng mga hayop, labindalawang (12) hayop lamang ang matagumpay na nakarating sa harapan ni Lord Buddha, kaya ang 12 hayop na ito ay kanyang ginantimpalaan.
1. Ang unang nakarating dahil sa kanyang taglay na bilis at liksi ay ang Daga, kaya ang unang taon sa Chinese New Year ay pinangalanang Year of the Rat ito rin ang kumakatawan sa zodiac sign na Sagittarius.
2. Ang pangalawang nakarating dahil sa taglay niyang katatagan at pagtitiyaga ay ang Baka, kaya ang ikalawang taon sa Chinese New Year ay pinangalanang Year of the Ox ito rin ang kumakatawan sa zodiac sign na Capricorn.
3. Ang ikatlong nakarating sa palasyo ni Lord Buddha ay ang Tigre, kaya ang ikatlong taon sa Chinese New Year ay pinangalanang Year of the Tiger. Ang Year of the Tiger ay pinaghaharian din ng impluwensiya ng Planetang Uranus at sa Western Astrology ang Year of Tiger ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Aquarius.
4. Ang ikaapat na nakarating ay Kuneho, kaya ang ikaapat na taon sa Chinese New year ay pinangalanang Year of the Rabbit. Ang Year of the Rabbit ay pinaghaharian din ng impluwensiya ng Planetang Neptune at sa Western Astrology ang Year of the Rabbit ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Pisces.
5. Ang ikalima na nakarating sa harapan ni Lord Buddha ay Dragon, kaya ang ikalimang taon sa Chinese New Year ay pinangalanang Year of the Dragon. Ang Year of the Dragon ay pinaghaharian din ng impluwensiya ng Planetang Mars at sa Western Astrology ang Year of The Dragon ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Aries.
6. Ang ikaanim na nakarating ay ang Ahas, kaya ang ika-anim na taon sa Chinese New Year ay pinangalanang Year of the Snake. Ang Year of The Snake ay pinaghaharian din ng impluwensiya ng Planetang Venus at sa Western Astrology ang Year of the Snakes ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Taurus.
7. Ang ikapito na nakarating ay ang Kabayo dahil sa taglay niyang bilis at liksi. Kaya ang ikapito na taon sa Chinese New Year ay tinatawag na Year of the Horse. Ang Year of the Horse ay pinaghaharian din ng impluwensiya ng Planetang Mercury at sa Western Astrology ang Year of the Horse ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Gemini.
8. Ang ikawalo na nakarating ay ang Tupa o Kambing, kaya naman ang ika-walo na taon sa Chinese New Year ay tinawag na Year of the Sheep at minsan ay tinatawag ding Year of the Goat. Ang Year of the Sheep or Year of the Goat ay pinaghaharian ng impluwensiya ng Planetang Moon at sa Western Astrology ang Year of the Sheep or Year of the Goat ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Cancer.
9. Ang ikasiyam na nakarating ay ang Unggoy, kaya ang ikasiyam na taon sa Chinese New Year ay tinatawag na Year of the Monkey. Ang Year of the Monkey ay pinaghaharian ng impluwensiya ng Planetang Sun at sa Western Astrology ang Year of the Monkey ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Leo.
10. Ang ikasampu na nakarating ay ang Tandang, kaya ang ikasampung taon sa Chinese New Year ay tinawag na Year of the Rooster. Ang Year of the Rooster ay pinaghaharian ng impluwensiya ng Planetang Mercury at sa Western Astrology ang Year of the Rooster ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Virgo.
11. Ang ikalabing-isa na nakarating ay ang Aso, kaya ang ikalabing taon sa Chinese New Year ay tinatawag na Year of the Dog. Ang Year of the Dog ay pinaghaharian ng impluwensiya ng Planetang Venus at sa Western Astrology ang Year of The Dog ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Libra.
12. Ang ikalabindalawa at panghuling hayop na nakarating sa palasyo ni Lord Buddha dahil sa kanyang katabaan at kabagalang lumakad ay ang Baboy. Kaya ang ikalabindalawa at panghuling taon sa Chinese Year Year ay tinatawag na Year of the Pig, na siyang year o taon ngayon 2019. Ang Year of the Pig ay naiimpluwensiyahan ng planetang Mars at sa Western Astrology ang Year of the Pig ay siya ring kumakatawan sa zodiac sign na Scorpio.
Kaya ang sinumang isinilang sa zodiac sign na Scorpio ngayong Year of the Pig ay susuwertehin at magtatamo ng mga hindi inaasahang magagandang kapalaran.
(Itutuloy)



Comments