top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rider nilikida ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Feb 1, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang rider ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kabacan sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Sidik Mantapid, nakatira sa Pagalungan, Maguindanao.

Nabatid na nakasakay sa motorsiklo si Mantapid nang dikitan ito ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page