Pusher dedbol sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Feb 1, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Dau, Mabalacat City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Andre Amurao, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation si Amurao, pero bigla itong nanlaban at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments