top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG MAGING NOBYA ANG BABAENG ISINILANG SA BUWAN NG MARS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Totoo pala ‘yung sina­sabi ninyong kapag 2 ang birth date ay mahina ang loob. Isinilang ako noong July 20, 1989 at hang­gang ngayon ay wala pa rin akong seryosong girl­friend.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang love life ko, madalang ang dating ng babae sa aking buhay.

Bukod kasi sa mahina ang loob ko, mahiyain din ako, kaya umabot ako sa ga­nitong edad na hindi nag­ka-girlfriend, saman­ta­lang, ‘yung mga pinsan ko at mga kaibigan ko ay may kani-kanya nang ka­sinta­han.

Kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo, Ma­estro, upang itanong kung kailan ako mag­kakaroon ng seryoso at totohanang girlfriend dahil sa edad kong 30 ay gusto ko na ring mag-asawa?

Umaasa,

Patrick ng Sto. Niño, Parañaque City

Dear Patrick,

Sadyang magulo at matumal ang dating sa bu­hay mo ng seryoso at toto­ha­nang pakikipagrelasyon dahil ang birthday mong July 20 ay nasa pagitan ng zodiac signs na Cancer at Leo.

Kaya, bukod sa mahi­na ang loob mo at mahi­yain ka, magulo rin kung minsan ang iyong isipan, emosyon at pagkatao da­hil ito sa pagha­hatakan ng dalawang zodiac signs sa iyong pagkatao, un­cons­ciously, hindi mo mati­yak kung ikaw ay mas na­iimpluwensiyahan ng Can­cer o ng Leo.

Gayunman, upang mas madali nating matiyak kung anong zodiac sign ang mas nakaiim­pluwen­siya sa iyo, subukan mong tingnan o si­lipin ang apa­rador ng iyong mga damit.

Bilangin mo isa-isa kung ano ang mas mara­ming ku­lay. Halimbawa, mas mara­mi bang kulay dilaw sa dra­wer mo o mas maraming kulay berde?

Kung mas marami kang dilaw na damit, ibig sabihin, tunay at purong Leo ka, pero kung mas ma­rami ang ber­de, titiyakin nating higit na nananaig sa pagkatao mo ang pa­giging Cancer. Kailangan nating ma­laman ang na­banggit na pag­susuri upang mabatid natin kung sinu-sino ang mga ba­baeng ka-compa­tible mo na maaari mong ligawan.

Samantala, kung higit na nanaig sa iyong pagka­tao at kapalaran ang pagi­ging Leo, ka-compatible mo silang mga isinilang sa zodiac signs na Aries, Sa­gittarius at ka­pwa mo Leo, higit lalo silang mga isini­lang sa petsang 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.

Samantala, kung higit na nanaig sa iyong pag­katao at kapalaran ang zodiac sign na Cancer, ka-compatible mo naman silang mga isinilang sa zodiac signs na Scorpio, Pisces at kapwa mo Can­cer, gayundin ang Virgo, higit lalo silang mga isi­nilang sa mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29

Gayunman, kahit ano ang mangyari, magsuot ka pa­lagi ng kulay berde at di­law nang sa gayun sa bu­wan ng Hulyo hanggang Agosto o kaya ay sa bu­wan ng Ok­tubre hanggang Disyembre ngayong 2019, sa edad mong 30 pataas ay magka-girl­friend ka na, hatid ng baba­eng isinilang sa buwan ng Marso o kaya ay Abril at ang nasabing relasyon ay magi­ging ser­yoso at pangmata­galan na hahantong sa isang ma­ligaya at panghabambu­hay na pag-aasawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page