top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lola tinodas ng mga kawatan

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 1, 2019
  • 1 min read

ZAMBOANGA DEL SUR—Isang 79-anyos na lola ang pinatay ng mga hindi kilalang magnanakaw, kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Madasigon, Molave sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Eriberta Zamora, nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay Maymarie Guinsayao, 19-anyos na kasambahay ni Zamora, tatlong magnanakaw ang pumasok sa bahay at sinuntok umano siya sa tiyan kaya nawalan siya ng ulirat at pagkagising niya ay natagpuan na lang niyang basag ang bungo at patay na ang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya ay nakatangay ang mga suspek ng P45, 000 cash at mga alahas at sa kasalukuyan ay inaalam na ng mga awtoridad kung may naganap na inside job sa naturang krimen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page