top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kung si Ice, produkto ng siyensiya ang baby…AI AI, PIPILITING MAGING NORMAL ANG PAGBUBUNTIS SA 2020

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2019
2 min read

SA presscon kahapon ni Ai Ai delas Alas kasama ang dalawa sa Hitmakers members na sina Hajji Alejandro at Marco Sison para sa kanilang post-Valentine concert na Hitmakers and AI, natanong ang Comedy Queen tungkol sa matagal na niyang binabalak na pagka­karoon ng anak since talk of the town nga ngayon ang procedure na ginawa ni Aiza “Ice” Seguerra para magkaroon ng baby.

Ani Ai Ai, meron naman daw siyang sariling egg cell.

“Sabi ng egg cell ko, ‘Hello!’” biro pa niya.

Pero seriously, plano raw talaga nila ng asawang si Gerald Sibayan to have a baby next year, 2020.

As much as possible ay ita-try daw niyang mabuntis sa normal na paraan pero kung talaga raw hindi kaka­yanin ay baka mag-resort na rin sila sa scientific procedure tulad ng in vitro fertilization or IVF.

Samantala, first time na makakasama ni Ai Ai sa isang show ang dalawang Hitmakers na sina Hajji at Rey Valera na wala sa presscon kahapon. Si Marco naman ay matagal na raw niyang nakakasama.

Kuwento nga ni Marco, way, way back ay nakasama niya si Ai Ai sa isang show sa Austria at that time ay nag­­sisimula pa lang ang komedyana sa concert at wala pa halos nakakakilala sa kanya. Pero hit na hit daw ito that time sa audience.

Nakakalungkot lang na ngayon, wala na ang isang mi­yembro ng Hitmakers na si Rico J. Puno na dapat ay ka­sama rin nila rito sa show pero hindi na raw nito inabutan.

“Dapat kasama ‘yung best friend natin na si Rico J., hindi na umabot, birthday niya sa Feb. 13,” sabi ni Hajji.

Originally ay Feb. 13 ang Hitmakers and AI na eksak­tong birthday ni Rico at sosorpresahin sana nila ang singer by singing some of his hits.

Naiba na ang date ng concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre in Resort World Manila pero tuloy pa rin ang plano na bibigyan nila ng tribute si Rico. J.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page