Rider tepok sa poste
Pabs Hernandez III
Jan 31, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa poste ng kuryente ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa bayan ng San Fabian sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Melvin Orerio, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Orerio kaya bumangga ang motorsiklo nito sa poste ng kuryente.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa poste ng kuryente ay agad namatay sa aksidente ang biktima.





Comments