top of page
Vico Sotto - FB.jpg

Kahit pa misis na ni Aljur… RURU, UMAMING NATIKMAN PA RIN SI KYLIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

MAPAPANOOD na ang political rom-com series ng GMA News Public Affairs na TODA One I Love tampok ang love team nina Ruru Madrid at Kylie Padilla.

Sa presscon, kabilang ang KyRu fans sa mga pina­sa­lama­tan nina Ruru at Kylie sa walang sawang suporta kahit alam na hindi magiging “for real” ang tambalan nila dahil may asawa’t anak na ang aktres.

Ipapakita nina Ruru at Kylie na kahit “for reel” lang ang tam­balan nila, kaya pa rin nilang mag­pakilig. Sabi pa nga ni Ruru, may kissing scene sila ni Kylie at walang problema ru’n dahil tra­baho lang ang kanilang ginagawa.

Sa teaser, may eksenang na­sub­sob ang ulo ni Ruru sa leeg ni Kylie, pero sabi ng aktor, dahil ‘yun sa nalubak ang sinasakyan nilang trike na si Kylie ang driver.

Doble ang tuwa ni Ruru dahil siya rin ang kumanta ng theme song ng TODA na may pamagat na Sana sa Huli na kinanta niya nang live sa presscon. Dream nitong maging recording singer at sana, i-release ng GMA Music ang single na tiyak ikatutuwa ng KyRu fans nila ni Kylie.

Samantala, sinagot ni Ruru ang tsikang GF na niya si Bianca Umali pero hindi lang nila maamin dahil ka-love team ni Bianca si Miguel Tanfelix.

“Tungkol sa aming dalawa, hindi pa (GF si Bianca) dahil mas focused kami sa work. Ginagawa ko ang TODA at si Bianca, may Sahaya. Ang dami naming ginagawa, paano kami magkaka-time sa love life?

“Bianca is one of the prettiest girls, at kahit sino, magkakagusto sa kanya. Inakala lang na kami na dahil nakikita kaming magkasama, pero may mga kasama kami. Never kaming lumabas na kaming dalawa lang,” sabi ni Ruru.

Nabanggit din ni Ruru na dahil sa isyu sa kanila ni Bianca, naapektuhan ang friend­ship nila ni Miguel.

“Nagkakailangan kami ni Miguel, but we’re trying our best na ‘wag magpaapekto. Bago pa ang isyu, mag­kaibigan kami dahil pareho kaming talents ni Director Maryo (J. Delos Reyes). Matagal na kaming magka­kilala, sa first teleserye nila ni Bianca, ‘yung Paroah, kasama ako,” wika ni Ruru.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page