ANO ANG LATEST SA CBA AT PHL CANOE KAYAK?
- MC / Clyde Mariano
- Jan 31, 2019
- 1 min read

Photo : @coachacot
MALALAMAN mula kay actor-sportsman Carlo Maceda ang pinakahuling update hinggil sa CBA at kung ano naman ang susunod para sa Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) sa pamumuno ni Jonne Go at kung sino ang riders to watch sa darating na motocross series ni Sam Tamayo.
Ang mga nasabing katanungan ay sasagutin sa 8th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong Huwebes, Enero 31 sa National Press Club sa Intramuros. Tatalakayin ni Maceda ang kanyang pet project CBA, ang pinakabago at pinakamainit na community-based basketball tournament na nagsimula sa San Mateo, Rizal noong Enero 27. Makakasama niya sa 10 a.m. sports forum sina CBA team owners Rinbert Galarde ng Malabon at Bong Africa ng Nueva Ecija.
Samantala, ihahayag ni Go at national team coach Len Escollante ang abalang programa ng PCKDF eksaktong apat na buwan matapos mamayani sa ICF World Dragon Boat Championships sa Lake Lanier Olympic Park sa Gainesville, Georgia. Ipakikilala ni Tamayo ang kanyang nalalapit na motocross event - ang MX Messiah Fairgrounds Supercross Series pati na ang dalawang sikat na kalahok na sina Bornok Mangosong at Jaja Jao.
Mapapanood ang naturang sports session live sa Facebook sa pamamagitan ng Glitter Livestream (@glitter.ph) Inaanyayahan ng TOPS ang mga officers at miyembro na dumalo sa weekly sports forum, na sinusuportahan din ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman Butch Ramirez at National Press Club, sa pamamahala ni president Rolando Gonzalo. Ang TOPS ay binubuo ng mga sports editors, sportswriters at photographers mula sa mga pangunahing tabloids ng bansa.





Comments