Lalo na kung first timer ka, besh! TIPS PARA SA MGA NAGBABALAK MAG-PART TIME JOB

SA taas ng presyo ng mga bilihin sa panahon ngayon, literal na doble-kayod ang ilan para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Iba’t ibang paraan ang puwedeng gawin para ma-doble ang income, kabilang na rito ang pagkakaroon ng ‘sideline’ o kaya negosyo. Pero, mga mamshie at papshie, knows ba ninyo kung paano babalansehin ang pagkakaroon ng regular na trabaho at side- line? Kung hindi pa, narito ang mga tip na siguradong makatutulong sa inyo:
1. BE PREPARED FOR THE SIDE JOB TO BE WEIRD. Kadalasan, ang mga “side job” o “side- line” natin ay ang mga bagay na gusto nating gawin tulad ng mga may kinalaman sa musika, art at iba pa. Ngunit, ayon sa mga eksperto, kahit planado ang gusto mong mangyari, hindi pa rin naiiwasan ang mga pagbabago lalo na at mayroon kang regular na trabaho.
2. EXPECT IT TO BE TOUGH AT FIRST. Ang simula ng bagong trabaho ay magbibigay ng insipirasyon sa indibidwal para maging masipag siya sa pagtatrabaho, ngunit, ayon sa mga eksperto, hindi madaling balansehin ang oras kapag dalawa ang trabaho dahil may iba’t ibang pangangailangan ang mga ito. Ngunit, huwag umanong mawalan ng pag-asa kung mahihirapan ka sa umpisa dahil paglipas ng panahon, eh, matututunan mo ring balansehin ang iyong oras. Tiyaga lang, beshy!
3. USE ORGANIZATIONAL TOOLS. Dahil sa kaliwa’t kanang deadline, priority at posibleng maging problema sa mga trabaho, siguradong kailangan mo ng organizational tools, lodi! Kung mahilig kang magsulat at palagi kang may bitbit na notebook, mabuting gumamit ka ng planner at kung hindi naman, eh, puwede ka ring gumamit ng mga app sa iyong mobile phone tulad ng calendar, notes at voice recorder. Sa ganitong paraan, siguradong wala ka nang makalilimutang gawin.
4. KNOW YOUR MONEY. More income, more fun! Pero, lodi, hindi porke may extra kang kinikita, eh, lahat ng gusto mo ay bibilhin mo na. Mabuting alamin mo kung ano ang mga priority mo nang sa gayun ay ma-budget mo ang iyong kinikita sa buong buwan. Hindi masamang bigyan ng reward ang iyong sarili, pero ‘ika nga nila, “don’t spend more than what you earn”.
5. EXPERIMENT WITH TIME MANAGEMENT. Ang pagkakasabay-sabay ng trabaho ay puwede ring maging trial and error, kaya lodi, why not try experimentation pagdating sa pagma-manage ng oras? Sa ganitong paraan, makikita mo kung anong klase ng istratehiya ang babagay sa lifestyle mo at sa oras na mayroon ka.
6. BEWARE OF THE SIDE JOB BURNOUT. Alam nating lahat na ang pagtatrabaho nang higit sa isa ay hindi madali. Kaakibat nito ang mataas na lebel ng stress kung saan nakukuha ito mula sa matinding pagod at pressure. Karamihan sa mga mayroong side job ang nakararanas ng “side job burnout” dahil sa sobrang pagtatrabaho para magkaroon ng mas malaking income. Kaya mga beshy, upang maiwasan ito, siguraduhin ninyong makapagpapahinga kayo kahit kaliwa’t kanan ang mga responsibilidad na dapat ninyong gampanan. Copy?
Hindi masamang magkaroon ng iba pang pagkakakitaan bukod sa iyong regular na trabaho, ngunit, mas maganda kung mababalanse natin ito. Sana ay may natutunan kayo mula sa mga tip na ito.
Good luck! Hi-hi-hi!





Comments