Kaya make sure na kumakain kayo nito, mga baks... PATATAS, GOOD SA HEALTH!
- DONNABELLS
- Jan 30, 2019
- 2 min read

SINO ang hindi kumakain ng patatas? Hmmm… feeling namin wala, char! Karamihan sa atin, eh, mahilig sa french fries at iba’t ibang pagkain na gawa sa patatas dahil masarap ang lasa nito, pero hindi lamang ito ang dapat na maging dahilan kung bakit tayo kumakain ng patatas dahil ayon sa mga eksperto, marami umano itong benepisyong naidudulot sa ating kalusugan.
Sey ng experts, ang patatas umano ay punumpuno ng vitamins at minerals na masustansiya para atin. Isa rin sa mga good source ng antioxidants ang patatas na nakare-reduce ng panganib sa pagkakaroon ng chronic diseases tulad ng heart disease, diabetes at iba’t ibang klase ng kanser.
Gayunman, hindi na kayo dapat mangamba dahil kering i-improve ng patatas ang ating blood sugar level.
Dagdag pa rito, ang mga taong may Type 2 diabetes na kumakain ng resistant starch ay nababawasan ang excess na blood sugar pagkatapos nilang kumain.
Maliban pa rito, ang patatas ay gluten-free at mainam sa digestive health lalo na sa metabolism, kaya para sa mga beshy natin diyan na hindi na regular kung dumumi, alam n’yo na, ha?
Bagama’t, masustansiya ang patatas, sinabi ng mga eksperto na nawawala ang sustansiya nito kapag nagiging processed food kung saan nilalagyan ng preservatives at ginagawang french fries tulad ng mga nabibili natin sa fastfood chains, kaya ang payo ng mga dalubhasa, kung gusto nating maging healthy kahit kumakakain tayo ng french fries, eh, mag-homemade na lang tayo nang sa gayun ay mas natural ang sangkap at walang halong kung anu-ano, gayundin, maganda kung ibe-bake ito o kaya ay ipiprito sa olive oil at hindi sa mantika na masama sa ating kalusugan.
Samantala, mainam ang patatas kung ibo-boil ito tulad ng ginagawa sa itlog dahil mas lumalabas ang katas nito na mainam para sa ating balat. Oh, ayan, mga lodi, make sure na magiging responsable tayo tuwing kumakain ng patatas nang sa gayun ay purong sustansiya lang ang nakukuha natin mula rito. Okay?





Comments