HOROSCOPE | ENERO 30, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jan 30, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 30, 2019 (Miyerkules) Paangat ka nang paangat hanggang sa maabot mo ang dulo ng iyong mga pangarap. Iwasan mong magmalaki dahil ang pagmamalaki ang magpapabagsak sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ng pagkakataong mas mapaganda pa ang iyong kalagayan sa larangan ng pagpapayaman. Huwag mo itong sasayangin nang dahil lang sa panandaliang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-13-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa umaasenso. Lumayo ka sa mga walang pangarap. Dito sa mundo, ang gustong umasenso ay umaasenso at ang ayaw mangarap ay walang mararating at maghihirap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-20-25-45.
GEMINI (May 21- June 20) - Maghangad ka nang mas malaki nang sa gayun ay malalaking biyaya ang mapasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-26-30-32-38.
CANCER (June 21- July 22) - Tutukan mo ang pinagkakakitaan mo. Ngayon ang tamang panahon para kumita ka ng mas marami kaysa dati. Huwag mo itong palagpasin nang sa gayun ay hindi ka magsisi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-16-23-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap ang pagtaas, pero madali ang pagbagsak. Tanggapin mo ang katotohanan na rito sa mundo, ang sinumang gustong umasenso ay kailangang dumaan muna sa hirap at pagsisikap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-26-30-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nadaragdagan ang kulang at ang sobra ay nababawasan. Huwag mong isipin na negatibong bagay ang pagiging kulang. Magdagdag ka, ito ang simpleng paraan para sumaya ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-9-18-29-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dapat na magsama ang kumikita ng malaki. Huwag kang tumulad sa marami na kapag kumita ng malaki ay gumagastos din ng malaki. Sa huli, sila ay magsisisi at manghihinayang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-17-24-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mamahinga ka, pero hindi lang katawan ang ipahinga mo kundi pati ang isip mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-23-28-33-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumanat ka at huwag kang huminto. Ang mga araw na ito at ang ilang pang mga araw na darating ay para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-15-24-35-40-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gagamitin ka ng tao para umangat siya sa buhay. Magpagamit ka, pero dapat ay aangat ka rin. Sa ganito, wala kang dapat pagsisihin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-16-22-27-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo alam, pero ikaw ang inspirasyon at lakas ng gustong umasenso. Ililihim niya ito sa iyo dahil ang alam niya na mahirap maging bahagi ng buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-14-16-27-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang matakot na magkaroon ng mga bagong kaibigan dahil ang mismong kapalaran mo ang kumikilos para makilala mo sila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-7-19-20-25-42.




Comments