top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dapat alam n’yo rin ‘yung history, mga beshy! 9 NA DAHILAN KUNG BAKIT IPINAGDIRIWANG ANG ARAW NG MGA

  • Jersey Sanchez
  • Jan 30, 2019
  • 2 min read

AKALA ng karamihan sa atin na ang Valentine’s Day ay simpleng araw lang ng mga puso, heart, heart! Pero, mga beshy, knows ba ninyo na marami pang bagay tungkol sa Valentine’s Day ang hindi pa natin alam? Hmmm… upang malaman ang mga bagay na ito, narito ang ilang mga bagay na may kaugnayan sa Valentine’s Day:

1. WHY WE CELEBRATE IT ON FEB 14th. Pebrero 14 ang pista ni St. Valentine, katolikong santo na pinugutan ng ulo sa panahon ni Roman Emperor Claudius II.

Noong 5th century, opisyal na idineklara ni Pope Gelasius bilang Valentine’s Day ang Pebrero 14.

2. CALLING PEOPLE ‘VALENTINES’. Noong nakakulong si St. Valentine, kabilang sa ipinagdarasal niya ang anak ng kanyang judge na gumaling mula sa pagkabulag. Bago siya tuluyang pugutan ng ulo, sumulat ito sa anak ng judge at sa dulong parte nito, nakasulat ang “from your Valentine”.

3. ROSES WERE GIVEN. Noong Victoran era, ipinahahayag ng mga tao ang kanilang emosyon sa pamamagitan ng bulaklak. Ang pagbibigay ng iba’t ibang uri ng bulaklak ay mayroon din umanong kahulugan depende sa uri nito, halimbawa rito ang pulang rosas na nangangahulugang romance.

4. WHY WE WEAR RED. Kilala ang kulay pula bilang simbolo ng passion at seksuwalidad. Ayon sa pag-aaral, ang kababaihan na nakasuot ng pula ay nakikita ng kalalakihan bilang attractive at sexually desirable. Ang pula ay sumisimblo rin umano sa confidence, spontaneity at determination.

5. POPULAR SEASON TO GET ENGAGED. Ayon sa pag-aaral, noong 2017, 43% ng mga mag-boyfriend, partikular ang mga millennial ay nae-engaged tuwing Valentine’s Day.

6. GIVING CARDS. Noong 18th century, ang pagbibigay ng sulat ay isang paraan ng pagpapakita ng affection sa Valentine’s Day. Sa ganitong paraan, nararamdaman ng nakatatanggap na sincere ang pagbibigay nito dahil sa effort na inilalaan ng sender sa pagsusulat.

7. CUPID AS SYMBOL OF LOVE. Una siyang tinawag na “Eros” na ang ibig sabihin ay “God of love”, ngunit, kalaunan ay tinawag din itong Cupid o Kupido. Ayon sa Greek mythology, mayroong dalawang arrow si Kupido kung saan ang ginto ay para ma-in love ang tao at ang isa ay para kainisan ng indibidwal ang bawat isa.

8. DOVES AS SYMBOL OF LOVE. Isa rin umano itong simbolo ng pag-ibig dahil ang dove o kalapati ay sacred bird of love goddess Aphrodite. Gayunman, ang kalapati ay hindi nagpapalit ng partner sa buong mating season dahil inaalagaan ng lalaki ang babaeng kalapati hanggang sa mangitlog ito.

9. NOT JUST FOR COUPLES. Yup! Kaya sa mga single d’yan, huwag kayong mag-worry dahil tama ang nabasa ninyo. May iba’t ibang uri ng pag-ibig kung saan hindi nito kailangan ng romantic na relasyon kahit kanino. Puwedeng-puwede niyong i-date sina nanay at tatay o kaya ang buong pamilya ninyo, gayundin ang mga BFF niyong single. He-he-he!

Wow! Ang Valentine’s Day pala ay hindi ordinaryong pagdiriwang lang kung saan nagbibigayan tayo ng mga letter, chocolate at kung minsan pa ay regalo. Naks! Sana ay may natutunan kayo sa mga bagay na ibinahagi namin.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page