top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Alamin mula kay Señor… KAALAMAN TUNGKOL SA MASUSUWERTENG KULAY NGAYONG TAON

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Lalaine ng Lalaine_Gabrillo@facebook.com

Dear Senor,

Ano ang masusuwerteng kulay ngayong 2019?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Lalaine

Sa iyo Lalaine,

Sa mga Tsino, iha, ang lucky color ay red o pula. Kaya tuwing sasapit ang Chinese NewYear, pula ang pinaka-dominant color sa kanilang selebrasyon. Ang totoo nga, sa halos lahat ng festival ng mga Chinese ay sikat na sikat ang kulay pulay.

Alam mo, iha, lahat ng tao sa China ay may damit na pula. Oo, lahat sila ay may kani-kanyang damit na kulay pula. Kaya ang all-time best selling color sa China ay pula.

Kaya magpula ka, tularan mo ang mga Tsino nang sa gayun ay suwertehin ka ngayong 2019 at sa lahat ng panahon, kaya maganda kung bibili ka ng pulang damit.

Gusto mo bang buwenasin ka? Magpula ka!

Gusto mo bang mapanatili ang maganda mong buhay mo? Magpula ka!

Gusto mo bang magkaroon ng magandang love life? Pula ang kailangan mo!

Mayroon ka bang ibaNG gusto sa buhay? Pula ang kasagutan d’yan.

Eh, ang pagtama sa lotto? Pula ang magbibigay sa iyo ng panalo.

Ang Pula ay sinisimbolo ng “happiness’.

Gayunman, ang sumunod na lucky colors sa mga Chinese ay yellow at green. Bukod sa pula, ang payo ay nagsasabing maganda rin kung may yellow o green kang kasuotan.

Mapapansin mo sa Chinese New Year, ang yellow ay gamit na gamit, as in, hindi puwedeng walang kulay yellow sa mga festival ng mga Tsino.

Ang yellow ay sinisimbolo ng “wealth”

Makikita mo rin ang kulay green sa kanilang mga selebrasyon dahil naniniwala sila na ang paglago ay sinisimbolo ng kulay green kung saan may pag-unlad at pag-asenso.

May kani-kanyang sinasabi ang feng shui expert, kaya nasa sa iyo na kung kanino ka maniniwala.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page