top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-iyak sa stage…GRUPONG WANNA ONE, BUWAG NA

  • Lee Vin Nia
  • Jan 29, 2019
  • 3 min read

OPISYAL na ngang nabuwag ang male group na Wanna One na produkto ng survival competition na Produce 101 Season 2. Nagpaalam ang grupo sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng successful 4-night final concert na Therefore na ginanap from Jan. 24-27 sa Gocheok Sky Dome in Seoul.

Napakaganda ng apat na gabing concert at naging sobrang memorable sa mga fans nila since ito na ang huling pagkakataon na makikita nila ang kanilang idolo na isang buong grupo.

Bukod sa kanilang mga fans, namataan ding nanood sa concert ang ilang kilalang celebrities tulad nina Seungri ng Big Bang, Park Seo Joon, Jimin ng BTS, Ahn Jae Hyun, Jeon Somi, JooE ng Momoland and Xiumin ng EXO among others.

Kumalat sa social media ang mga videos na kuha sa nasabing concert at sa isang performance ay makikitang nag-iiyakan ang grupo habang umaawit. It was indeed a heartbreaking moment for their fans.

Nagbigay din ng kani-kanilang farewell message ang 11 members at talaga namang halos mag-breakdown ang ilan sa kanila habang namamaalam na sinabayan naman ng mga fans din na nag-iiyakan lahat at dinig na dinig sa video.

Sabi ni Woojin na umiiyak, “Really thank you so much. And now the name that I can no longer call – Wannabe. I love you so much guys.”

Ang Wannabe ay ang official name ng fans club ng Wanna One.

Napaka-touching din ng moment na habang iyak nang iyak on stage si Jinyoung ay naglapitan sa kanya ang mga kamiyembro to comfort him. Memorable rin ‘yung isa-isang niyakap ng maknae (youngest) na si Guanlin on stage ang kanyang mga nakakatandang kamiyembro o hyung (brother). Sobrang touching din ‘yung isinigaw ni Jaehwan ang “Wannabe!” nang dalawang beses habang umiiyak.

And of course, sobrang unforgettable rin sa mga fans ang one last final thank you-bow nila on stage on the last night as they ended the concert.

Last January 27, nag-post ang Wanna One sa kanilang official Twitter account ng huling pamamaalam with their last official photo together taken during the concert.

“We’ll greet Wannabes like it’s the first time again. Two, three! All I Wanna do, Wanna One! Until now, this has been Wanna One. We truly loved you. #EveryPathOfWannaOneWillGoDownInHistory,” ang caption ng Wanna One sa kanilang tweet.

Sa simula pa lang naman ay talagang nakatakda nang ma-disband ang grupo ‘pag natapos na ang contract sa Swing Entertainment at YMC Entertainment na humawak ng career nila matapos manalo sa Produce 101 noong June, 2017.

Ito ang konsepto talaga ng Produce 101 — out of 101 trainees from different talent agencies ay pipili ng 11 winners at magiging isang buong grupo na madi-disband din after one year.

Natapos ang kontrata ng Wanna One last Dec. 2018. Pagkatapos nito ay babalik na lahat sila sa kani-kanilang original talent agency para ipagpatuloy ang kanilang individual career.

Hindi naman dapat mag-alala ang kanilang mga fans dahil makikita pa rin naman nila ang kanilang mga idolo dahil may kani-kanya na rin naman silang plano after disbandment.

Ang dalawang miyembro na sina Kang Daniel at Bae Jinyoung ay nagbukas na ng kanilang official fan cafes at magdi-debut as a solo artist.

Sina Lee Dae Hwi at Park Woo Jin ay magtatayo ng bagong grupo called “Brand New Boys” kasama ang MXM duo.

Nagbukas na rin ng kanyang solo official fan café at social media accounts si Park Ji Hoon at nakatakdang magkaroon ng first solo Asian fan meet.

Si Yoon Ji Sung naman ay kasama sa musical na The Days at magdi-debut din as a solo artist before his military enlistment.

Solo artist din ang career path ni Ha Sung Woon at ini-release na nga ang kanyang pre-debut track na Don’t Forget kahapon (Jan. 28).

Ang Taiwanese namang si Lai Guan Lim ay kumpirmado nang bibida sa upcoming Chinese drama na A Little Thing Called First Love.

Si Ong Seong Wu naman ay mapapanood sa bagong JTBC drama ng The Moment of 18 bilang isa sa mga bida.

Mananatili naman si Kim Jae Hwan sa Swing Entertainment at magdi-debut din bilang solo artist.

Si Hwang Min Hyun naman ay babalik sa boy group na NU’EST na dati naman niya talagang grupo bago pa siya naging Wanna One.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page