Psoriasis, yellow teeth, stretch marks etc… IBA’T IBANG EPEKTO NG PANINIGARILYO
- No Problem
- Jan 29, 2019
- 2 min read

PARA sa iba, ang paninigarilyo ang isa sa mga paraan na ginagawa nila nang sa gayun ay mabawasan ang stress at anxiety na mayroon sila. Pero, mga bro at sis, knows ba ninyo na hindi lang baga ang naaapektuhan sa paninigarilyo kundi maging ang pisikal din nating kaanyuan? Hmmm… kaya mga beshy, narito ang ilang epekto ng paninigarilyo upang maging malinaw para sa inyo kung paano ito nakaaapekto sa pisikal nating hitsura:
1. DARK UNDER EYE CIRCLES. Ayon sa mga eksperto, ang mga naninigarilyo ay hindi nakatutulog nang mahimbing sa gabi kumpara sa mga non-smoker. Gayundin, ang kakulangan sa tulog ay nagreresulta sa pagkakaroon ng dark under eye circles.
2. HIGHER RISK OF PSORIASIS. Bagama’t, may tsansa ring magkaroon ng psoriasis ang non-smokers, ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan para ma-trigger ang pagkakaroon nito. Ayon sa mga eksperto, ang mga indibidwal na nakauubos ng isang pakete ng sigarilyo kada araw ay may 20% na magkaroon ng nasabing sakit.
3. HIGHER RISK OF CATARACTS. Ayon sa pag-aaral, tumataas ng 22% ang tsansa ng pagkaka-developed ng katarata kapag naninigarilyo ang indibidwal, gayundin, kahit permanente na umanong itinigil ang paninigarilyo, mayroon pa ring tsansa na magkaroon ng nasabing kondisyon ang indibidwal.
4. YELLOWISH TEETH. Ayon sa mga eksperto, ang nicotine mula sa sigarilyo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng yellow stain ang mga ngipin, gayundin, nagiging brown ito habang tumatagal. Maliban pa rito, ang tobacco sa sigarilyo ay posibleng maging dahilan ng gum disease kung saan lumalambot ang buto sa mga ngipin. Hala!
5. YELLOWISH NAILS. Tulad ng mga ngipin, nicotine at tobbaco rin ang dahilan kung bakit naninilaw at lumalambot ang mga kuko. Kaya mga besh, alam n’yo na, ha?
6. SKIN LOOKS DULL. Napipigilan ng paninigarilyo ang Vitamin C na siyang nagre-repair at nagpoprotekta sa ating balat, gayundin, ang nicotine ay nagpapabagal sa blood flow at ang usok mula sa sigarilyo ay punumpuno ng carbon monoxide na pumapalit sa oxygen sa balat. Ang mga epektong nabanggit ay nagreresulta ng dry at discolored skin.
7. STRETCH MARKS. Normal na nagkakaroon ng stretch marks ang indibidwal bilang resulta nang mabilis na pagbaba at pagtaas ng timbang, ngunit, ang nicotine ay nakaaapekto umano sa connective tissue at fiber sa balat kung saan nagiging mababa ang elasticity nito kaya nagkakaroon ng stretch marks.
8. HAIR LOOKS LESS FULL. Nagkakaroon ng manipis na buhok ang mga naninigarilyo dahil sa toxic chemicals ng sigarilyo kung saan ang DNA ng hair follicles ang higit na apektado. Oh, para sa mga sis natin diyan, iwasan na ninyo ang pagyoyosi para hindi masira ang ating crowning glory. Copy?
9. MAKES YOU LOOK OLDER. Dahil nakapagpapahina ng balat ang nicotine, nagreresulta ito sa pagkakaroon ng premature wrinkles, partikular na sa bandang noo, mata at dibdib. Samantala, ibinababala ng mga eksperto na nagmumukhang mas matanda nang dalawang taon sa tunay na edad ang indibidwal kapag siya ay naninigarilyo.
Ayon sa mga eksperto, kung stress at anxiety ang pangunahing dahilan ng iyong paninigarilyo, mabuting gumamit ka na lamang ng ibang paraan para kumalma.
Ngayong alam n’yo na kung paano naaapektuhan ng paninigarilyo ang ating pisikal na kaanyuan, sana, mag-quit na kayo rito. Mahalagang ingatan natin ang ating katawan hangga’t kaya pa natin dahil kapag dumating ang panahon na malala na ang epekto nito, eh, mas lalo tayong mahihirapan.
Copy?
Hozzászólások