Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAIKASAL SA KASALUKUYANG BF


KATANUNGAN
May boyfriend ako ngayon na isinilang noong January 29, 1989 at October 16,q 1990 naman ang birthday ko. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang ipabasa ang aming birthday at guhit ng aking palad kung kami na ang magkakatuluyan?
Sa ngayon kasi kahit nasa ibang bansa siya ay walang problema ang relasyon namin at nagbabalak na kaming magpakasal sa susunod na taong 2020, kaya ngayon pa lang ay nag-iipon na kami. Matutuloy kaya ang plano naming magpakasal sa susunod na taong 2020 at kapag kami na ang nagsama, magiging successful kaya ang itatayo naming pamilya?
KASAGUTAN
1. Iisa lang ang malinaw, makapal at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung matagal na ang relasyon ninyo ng boyfriend mo at masasabing meaningful at masaya naman kayong pareho sa pinagsasaluhan ninyong pagmamahalan, kahit nasa abroad ang boyfriend mo, malamang na siya na ang makatutuluyan mo dahil ang edad mong 28 sa kasalukuyan ay masasabing legal ng mag-asawa, gayundin ang edad na 29 ng boyfriend mo, idagdag pa ritong tugma ang zodiac sign mong Libra sa zodiac sign niyang Aquarius kung saan ang Libra at Aquarius ay kapwa pinaghaharian ng elementong hangin o air, gayundin sa Numerology kung saan ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+5=6=7) ay saktung-sakto sa birth date na 29 o 2 (2+9 =1 1/ 1+1=2) ng boyfriend mo. Ibig sabihin, ang nabanggit na mga datos sa itaas ang naghahayag at kumukumpirmang compatible kayo ng boyfriend mo na sa malapit na hinaharap, walang duda, matutuloy ang inyong binabalak na pagpapakasal upang pagkatapos nito ay maganap ang isang masaya at panghabambuhay ng pagsasama.
DAPAT GAWIN
Marisol, ayon sa iyong mga datos, sigurado na ang magaganap, tulad ng inaasahan at nasabi na, sa susunod na taong 2020, sa edad mong 28 pataas at 29 naman ang boyfriend mo walang duda, magaganap at matutupad na ang balak ninyong pagpapakasal na hahantong sa isang maunlad, maligaya at panghabambuhay ng pagmamahalan (Drawing A. at B, 1-M arrow a. at h-h arrow b.).




Comments