Kaya huwag daw kayong mag-worry, mga beshy! MGA NORMAL NA PAKIRAMDAM TUWING MALAPIT NA ANG VALENTINE

WALA pang February, pero abala na ang ilan sa atin sa paghahanda para sa Valentine's Day. ‘Yung iba, um-order na sa online shop, mayroon namang nag-iipon at ‘yung iba ay nakabili na dahil sobrang advance sila kung mag-isip. He-he-he! Gayunman, narito ang 8 emosyon na maaari nating maramdaman sa paghahanda para sa Valentine's Day:
1. EXCITEMENT. Of course, mae-excite ka dahil maaaring may magbigay sa’yo ng regalo o kaya ay may umamin ng pagtingin sa iyo. Woah! Hindi ba, nakae-excite? He-he-he! Pero, hinay-hinay lang dahil baka sa sobrang excitement ninyo, eh, mapurnada pa ang maganda ninyong plano.
2. ANTICIPATION. Ooops… normal lang ang mag-anticipate o mag-assume, pero huwag OA para hindi nasasaktan. ‘Ika nga nila, “less expectation less hurt”, alam n’yo na, ha?
3. CONFUSION. Para sa mga boyfie o hubby d’yan na nako-confuse kung ano ang ibibigay sa kanilang minamahal, oks lang ‘yan dahil normal lang na ma-confused kayo. Hello? Gagastos kaya kayo ng pera. Char! Ha-ha-ha! Kaya dapat kung gagastos kayo, eh, du’n na sa bongga at worth it, ‘di ba?
4. PANIC. Hindi lang sa kalamidad puwedeng maramdaman ang pagpa-panic dahil tuwing Valentine's Day, eh, always present ito dahil ayaw mong mabulilyaso ang maganda mong plano.
5. ENVY. Para sa mga single riyan, oks lang na mainggit, pero palagi ninyong itatatak sa inyong isipan na balang-araw ay may magbibigay din sa inyo ng flowers at cholocates. Okay?
6. ACCEPTANCE. Hindi lang ito para sa mga magdyowa, para rin ito sa mga single na nakita ang kanilang crush na may kasama ng iba. Hu-hu-hu! Saklap ‘di ba? Pero, ang sabi nga, “acceptance is the key to success”.
7. SADNESS. Kung ‘yung iba, eh, excited, mayroon din namang sobrang lungkot dahil naaalala ang past kasama, si ex na nagse-celebrate ng Valentine's Day. Kaya, besh, huwag ka ng mag-emote riyan, malay mo may magtapat sa’yo ngayong Valentine's. He-he-he!
8. FEAR. Normal lang ang matakot lalo na kung worried ka dahil baka hindi magustuhan ng inyong loved ones ang gift ninyo sa kanila. Hmmm… pero “a” for the effort pa rin kaya ibigay n’yo na ang lahat ng inyong makakaya.
Hindi nasusukat ang pagmamahal sa materyal na bagay, pero tuwing Valentine's Day hindi masama ang magbigay, lalo na kung ang pagbibigyan ninyo ay ‘yung taong handa ninyong pag-alayan ng inyong buong buhay. Cheesy, pero sweet! Hi-hi-hi!
Okiee?





Comments