top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Di pa umaamin pero… JAKE AT KYLIE, LANTARAN NA ANG RELASYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2019
1 min read

Nitz Miralles / BIDA

WALA pa mang inaamin sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa na sila ang bagong showbiz couple, marami na agad ang pabor kung magkakarelasyon ang dalawa. O baka nga, may relasyon na sila?

Nag-post ng picture nila ni Kylie si Jake at tila nasa department store sila at doon pa lang, marami nang friends nila ang kinilig. May nagtanong kay Jake kung GF na niya si Kylie, pero hindi sumagot ang aktor.

Bukod sa department store, may ibang sightings na rin kina Jake at Kylie, patunay na matagal na silang nagkikita.

Kilala si Jake na hindi naglilihim sa nagiging GF niya, kaya hintayin na lang natin ang pag-amin nila ni Kylie kung anuman ang relasyon nilang dalawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page