top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ama dedo, anak sugatan sa aksidente

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 29, 2019
  • 1 min read

TUGUEGARAO CITY—Isang ama ang namatay at sugatan naman ang anak nito nang aksidenteng bumangga, kamakalawa ang kinalululanan nilang motorsiklo sa drum sa ginagawang gasoline station sa national highway ng lungsod na ito.

Nakilala ang nasawi na si Alfredo Castro, Sr., 65-anyos, samantalang, ang sugatan ay ang anak nitong si Alfredo Castro, Jr., 35-anyos, kapwa residente sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Alfredo Sr. habang angkas ang anak kaya bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa drum.

Dinala pa ng mga saksi ang mag-ama sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Alfredo, Sr.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page