2 wanted na killer tiklo
ZAMBOANGA DEL SUR—Dalawang wanted na killer ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Kundom, San Pablo sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Julito Balatian at Jovellar Neri, kapwa residente sa naturang bayan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong murder sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang dalawang suspek nang arestuhin sila ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments