Proudly Pinoy! TNT BOYS, PURING-PURI NI DREW BARRYMORE

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MULI na namang nagpabilib ang young trio singers na TNT boys na kinabibilangan nina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion na nagmula sa singing competition ng It’s Showtime na Tawag Ng Tanghalan.
Matapos sumabak ng grupo sa entablado ng Little Big Shots UK noong August, 2018 kung saan ay pinahanga nila ang TV host na si Ellen DeGeneres, ngayon, muli na namang pinahanga ng trio ang American audience nang mag-perform sila sa American talent show na The World’s Best.
Inawit nina Kiefer, Mackie at Francis ang kanilang rendition ng kantang Listen na orihinal na inawit ni Beyonce. Dahil sa magaling na performance, napabilib at nakatanggap ng papuri ang mga batang singers mula sa mga judges na kinabibilangan ng Hollywood star na si Drew Barrymore.
“I have a soft spot for kids. I was a kid performer. I have kids now. This is a whole other thing. You possess a gift. You’re just that good,” ang papuri ni Barrymore matapos ang performance ng TNT Boys.
Grabe ang papuri na nakuha ng TNT Boys kay Barrymore dahil ipinost din ng singer ang performance sa kanyang social media account na Instagram at nilagyan ng caption na: “This performance from TNT Boys was incredible.”
Bukod kay Barrymore, kasama rin sa mga hurado o 50 international stars na tinawag na “Wall of the World” ang Concert Queen ng Pilipinas na si Pops Fernandez. Ang singer lang ang kaisa-isang Pinoy na nabigyan ng pribilehiyo na mapasama rito.





Comments