Maganda raw ito dahil, ‘ika nga, “simplicity is beauty”... KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGIGING “MINIMALI

Bigyang-daan natin ngayon ang nausong style of living na kung tawagin ay “minimalist” Simple lang ang ibig sabihin ng “minimal”, ito ay tumutukoy sa laman ng bahay kung saan kakaunti lang ang dekorasyon o gamit sa loob.
Ito na ang uso ngayon at ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit umaasenso ang sibilisasyon ngayon.
Kaya alamin natin kung ano ang mga dahilan para masabing “minimalist” ang indibidwal:
Walang kalat, kaya ang lugar ay maluwag at madaling linisin. Kalat ang tawag sa mga gamit na hindi palaging ginagamit.
Ang kulay ng bahay ay hindi matingkad kung saan maaliwalas itong tingnan.
Walang gaanong dekorasyon sa dingding, pero kung maryoon man, ang ginagamit ay symbols o works of arts.
Hindi sobra ang liwanag ng mga ilaw.
Limitado ang appliances, ang makikita lang ay ‘yung mga madalas magamit.
Ang silid-tulugan ay walang gaanong dekorasyon, pero mahalaga ang music or sounds.
Hindi gaanong pinahahalagahan ang paggamit sa mga kagamitan sa kusina dahil madalas na kumakain sa masasarap na restoran.
Hindi rin gaanong mahalaga ang washing machine dahil ang mga damit o kasuotan ay sa laundry shop na dinadala.
Makiuso tayo at sakyan natin ang agos ng panahon, huwag tayong mabuhay sa makalumang tradisyong magpapabigat sa ating buhay.
Tapos na ang panahon ng madalas na handaan at pagsasayang ng kabuhayan na masasabing pagyayabang lang, kaya hindi umuunlad at lalong naghihirap.
Ngayon na ang tamang panahon na maisabuhay natin ang “simplicity” dahil, ‘ika nga, “simplicity is beauty”.
Kapag sinunod natin ang nasabing mga salita, mabilis tayong uunlad, aasenso, yayaman at ang magandang kinabukasan ay mapasasaatin.
Ito ang masuwerteng paraan ng pamumuhay ngayong moderno na ang panahon.
Good luck and God bless!




Comments