top of page

DLSU, ITINAOB ANG ATENEO, SA PHL BASEBALL LEAGUE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2019
  • 1 min read

HUMABOL buhat sa 11 runs na pagkakaiwan ang De La Salle University upang mapataob ang kanilang archrival Ateneo de Manila, 15-12, sa pagpapatuloy ng Philippine Baseball League noong Sabado sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Pormal na kinumpleto ng nasabing panalo ng Green Batters ang 6-game sweep ng elimination round.

“Sobrang happy ako kasi nandu’n na ‘yung winning attitude nila. Kahit non-bearing ‘yung laro, pursigido pa rin sila na manalo kasi Ateneo ‘yun e,” ayon kay Green Batters coach Joseph Orillana.

Pagdating sa ilalim ng third inning, nagpaulan ang Blue Eagles ng 12 runs mula sa 10 hits na tinampukan ng 3-run home run ni Javi Macasaet.

Pero hindi agad sumuko ang La Salle at nang magsimulang uminit ay hindi na napigilan pa ng Blue Eagles sa pag-arangkada. Bagamat nabigo, pasok pa rin sa semifinals ang Ateneo matapos ang naging came-from-behind win ng University of Santo Tomas Golden Sox kontra National University Bulldogs, 5-4. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page