Napuno na, sumabog! ARJO, IPAPAKULONG ANG MGA BUMABANAT SA KANYA DAHIL KAY MAINE


DAHIL lang sa pag-amin ni Arjo Atayde sa status ng relasyon nila ni Maine Mendoza ay hindi na siya tinantanan ng mga bashers at kung anu-ano nang masasakit na salita at akusasyon ang ipinupukol sa kanya ng mga fans.
Napagbintangan pa siyang “user” na nakiki-ride lang sa popularidad ng Dubsmash Queen. Panira lang daw si Arjo sa dating love team na AlDub at umeekstra siya ganu’ng hindi pa naman tuluyang binuwag ang Alden Richards-Maine Mendoza love team.
Kung nakamamatay lang ang mga panlalait na pinakakawalan ng mga bashers ni Arjo, tiyak na hindi ito kakayanin ng aktor. Pati ang kanyang pamilya ay nadadamay na sa paninira ng mga bashers.
May hangganan naman ang pagpapasensiya ni Arjo Atayde. Hindi siya basta-basta nagpapaapekto sa mga bashers. Hangga’t kaya niya ay ayaw sana niyang patulan. Pero umabot na sa sukdulan ang ginagawang pambu-bully sa kanya ng mga bashers, kaya minabuti na niyang kumonsulta sa kanilang abogado.
Maghahain siya ng reklamo laban sa mga taong nambu-bully sa kanya at sa kanyang pamilya. Hindi niya papayagan na siya ay api-apihin at siraan ang pagkatao.
Well, nagulo at nabulabog nga ang tahimik na buhay ni Arjo Atayde simula nang ma-link siya kay Maine Mendoza. Kayanin kaya niya ito?





Comments