Miyembro ng ASG nasakote
Pabs Hernandez III
Jan 27, 2019
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Talon-Talon sa lungsod na ito.
Kinilala ang suspek na si Daud Isnani, miyembro ng ASG na nakabase sa Basilan.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad na nasa naturang barangay si Isnani kaya agad itong pinuntahan at dinakip ng pulisya.
Hindi naman nanlaban si Isnani nang dakpin ito ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments