Mismong member ng BTS, naubusan, wala nang mabili… MGA PRODUKTONG GINAGAMIT NI JUNGKOOK, PINAPAKYAW

IBANG lebel talaga ang kasikatan ng BTS (South Korean boy group) dahil pati ang mga produktong ginagamit nila ay nagiging instant goldmine.
It was reported na last Jan. 20 ay bumisita ang BTS member na si Jungkook sa fan café (online fan site) ng grupo at nakipag-chat sa fans.
Napunta ang usapan sa laundry at may isang fan na nagtanong kung ano ang ginagamit niyang produkto sa paglalaba ng damit niya. Sumagot naman si Jungkook na ang gamit niya ay Downy Adorable fabric softener.
‘Yun lang at sumugod na yata ang lahat ng Army (tawag sa fans ng BTS) sa supermarket para bumili ng Downy. Ang ending, sold- out ang nasabing produkto sa Korea at na-out of stock na.
Nang araw ding ‘yun ay nag-No. 1 sa top search ng Naver (South Korean online platform) ang Downy Adorable. Ang iba namang fans ay gumawa ng mga ad posters and photos ni Jungkook na kunwari’y endorser ng nasabing produkto.
Ang nakakaaliw, pati si Jungkook ay naubusan na ng produkto at hindi na rin makabili. Nag-tweet siya kinabukasan at aniya, “ARMYs… I used up all of my fabric softener, so I have to buy more… but they’re sold out. #armyisimpressive.”
Nag-release rin ng statement ang Downy Korea at sinabing ang kanilang stocks na good for 2 months sana ay naubos in just one day. Labis ang pasasalamat nila kay Jungkook at sa mga fans na tinawag nilang “laundry fairies.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapagpa-sold-out si Jungkook ng produkto nang hindi niya sinasadya.
May mga fans na nakikitang ginagamit niya ang certain products like lip balm, cologne, lotion, etcetera and that instant, susugod na sila sa department store or supermarket para bumili, na ang ending, nauubos talaga nila ang produkto.





Comments