Mas better kung stable ka na bago ka bumuo ng pamilya... BEBOT NA PINAPAYUHANG MAGPOKUS MUNA SA CARE


KATANUNGAN
1. Maestro, nananalig ako sa inyong kahusayan, kaya sana ay masagot ninyo ang aking mga katanungan. Una, makatatapos ba ako ng pag-aaral?
Sa ngayon ay third year na ako sa kolehiyo sa kursong Accountancy at kung makagagradweyt ako, makapapasa kaya ako sa Board exam?
2. Pangalawa, kung kami na ba ng boyfriend ko ang magkakatuluyan? Ang zodiac sign niya ay Virgo habang Sagittarius naman ako at nais ko ring malaman kung compatible ba ang Virgo at Sagittarius?
3. Panghuli, pangarap kong mag-abroad kapag nakagradweyt ako. May “travel line” ba sa aking mga palad tulad ng mga nababasa ko sa inyong artikulo at kung may magandang kapalaran kaya ako sa pangingibang-bansa kung sakaling matutuloy ako?
KASAGUTAN
1. Makatatapos ka ng pag-aaral at makapapasa ka sa CPA Board Exam, ito ang nais sabihin ng tuwid na tuwid, walang kabilug-bilog at kalatid-latid na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a. ) sa kaliwa at kanan mong palad, gayundin, ang malinaw at makapal na Effort Line (Drawing A. at B E-E arrow b.) na nakatuntong sa Bundok ng Jupiter (arrow c.) at ang maganda at malinaw na Sun Line (Drawing A,. at B. S-S arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.
2. Ang tatlong nasabing mga tanda, tuwid na tuwid na Fate Line (arrow a.) at Effort Line na nakatuntong sa Bundok ng Jupiter (arrow c.) at malinaw na Sun Line (arrow e.) na simbolo ng pagsikat at recognition ng lipunan ay mga patunay na magtatagumpay ka sa iyong career na kinumpirma ng birth date mong 3 kung saan bihira lang sa mga taong tres tulad mo ang hindi nakatatagpo ng magandang career sa buong singkad ng kanyang buhay.
3. Subalit, sa ikalawa mong tanong na may kaugnayan sa pag-ibig o pakikipagrelasyon, medyo negatibo ang tugon sapagkat bukod sa hindi compatible ang zodiac sign mong Sagittarius sa zodiac sign na Virgo ng boyfriend mo, kapansin-pansin din ang pagbaluktot o hindi magandang linya ng unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow f.), pero mabuti na lang ay gumanda at naayos ang ikalawang mas malayong Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow (2-M arrow g.) sa kaliwa at kanan mong palad.
4. Kaya ang posibleng mangyari ay ganito, ang tipikal na karanasan ng mga taong tres (3) ang iiral sa iyo dahil sa birth date mong 3 kung saan mabibigo ka sa unang pag-ibig at dahil sa kabiguang ‘yun, matatagalan muna bago ka mag-boyfriend muli, ngunit, sa susunod na pakikipagrelasyon, matapos ang matinding kabiguan, doon mo na masusumpungan ang isang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig.
5. Habang, sa ikatlo mong tanong kung makapag-a-abroad ka ba? Positibo pa rin ang tugon dahil ang malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A, at B. t-t arrow h.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing, pagkatapos mong makagradweyt sa kursong Accountancy, makapapasa ka sa CPA Board Exam at pagkatapos nito ay magaganap sa iyong karanasan ang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.
MGA DAPAT GAWIN
1. Tunay ngang hindi lahat ng suwerte ay napupunta palagi sa iisang nilalang lamang, sa halip, ang mga taong sinusuwerte sa love life, ngunit, nabibigo sa career ay bumabaligtad kung saan nabibigo sa love life, pero sinusuwerte at nagtatagumpay sa kanilang career.
2. Sa kaso mo, Andrea, napabilang ka sa huli na binanggit na sa itaas. Ayon sa iyong mga datos, nakatakda sa iyo ang mabigo sa unang pag-ibig na dapat mong paghandaan, kaya huwag kang gaanong magseryoso sa BF mo ngayon dahil makasusumpong ka pa ulit ng pangalawa na hahantong sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments