Kelot tinodas ng tiyuhin
- Pabs Hernandez III
- Jan 27, 2019
- 1 min read
CAPIZ—Isang lalaki ang namatay nang saksakin ng kanyang tiyuhin, kamakalawa sa Bgy. Bangon-Bangon, Sigma sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Wildie Balones, samantalang, ang suspek ay si Petrosenio Baluntad, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-iinuman ang magtiyuhin nang magkaroon ng pagtatalo kaya sinaksak ng suspek ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Balones sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nadakip naman ng pulisya ang suspek.





Comments